^

Metro

Isko, aarestuhin 2 kongresista kung lalabag sa batas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isko, aarestuhin 2 kongresista kung lalabag sa batas
Former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso cast his vote at Manuel L. Quezon Elementary School in Tondo, Manila on May 12, 2025.
Philstar.com / Anj Andaya

MANILA, Philippines — Hindi magdadalawang isip si Manila Mayor-elect Isko Moreno na arestuhin sina 3rd District Congressman Joel Chua at 2nd District Congressman Rolan Valeriano kung lalabag sa batas.

Ito naman ang binitiwang pahayag ni Moreno sa panayam ng programang Bilyonaryo kung sinabi nito na “ fair warning” sa lahat ng abusado.

“No abuse will be done by these congressmen under my watch. Not a single day. Kapag mali kayo, mali kayo. Kung kailangang arestuhin ko sila, I’ll make the arrest,” ani Moreno.

Sinabi ni Moreno  na  nakakalungkot lang na inalagaan at sinuportahan niya ang dalawang kongresista subalit personal ang mga naging banat ng mga ito sa kanya.

“Somebody lied in front of me and I took it personally and brought it to the campaign,” ayon pa kay Moreno.

Ngayong tapos na ang halalan, ngayon lang din aniya siya  nagsalita. Dagdag pa ni Moreno, tapos na iyon at napatawad na niya ang mga ito.

“Hindi ko maikuwento masasakit na salita. Masakit na pinagmamalasakitan mo sila pero the words na… hindi mo makakain. Lalo si Joel Chua who lied… na walang sinabi in your face na hindi niya ginawa yon, that’s not true. You said something that even you yourself cannot be proud of,” dagdag ni Moreno.

Nakakuha si Moreno ng botong 530,825 laban kay Lacuna na nakakuha lang ng botong 190, 617.

MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with