^

Metro

Operasyon ng 6 casino junket sinuspinde

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sangkot sa Que kidnap-slay case

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi Phi­lippine National Police (PNP) Spokesperson at PRO 3 Director PBrig. Gen. Jean Fajardo na suspindido na ang junket operations ng anim na malalaking casino sa bansa.

Kasunod umano ito ng impormasyon na posibleng sangkot ang anim na casino junket sa kaso ng negosyanteng si Anson Que.

Nabatid na nauna nang ibinunyag ng PNP na dumaan umano sa mga junket operator ang P200 milyon ransom money ng dinukot at pinatay na nagosyante si Que bago ito i-convert sa cryptocurrency ng mga suspek.

Gayunman hindi naman ibinunyag ni Fajardo ang pangalan ng anim na casino junket at kung saan-saan matatagpuan.

Mayroon ding nang na-trace ang PNP-Anti Cybercrime Group na dalawang cryptocurrency accounts kung saan nai-freeze ang aabot sa $1.6 milyon na nakita na konektado umano sa krimen.

Iniimbestigahan din ng PNP ang mahigit P400 milyon na narekober sa Cebu, na sinasabing ga­ling sa junket operator na White Horse. Kabilang ito sa mga pinadalhan ng subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasama ang 9 Dynasty Group na una nang tumugon sa subpoena dahil sa pagkakadawit sa kaso.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with