^

Metro

MMDA humirit sa SC alisin na TRO vs NCAP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain ng urgent motion nitong Biyernes sa Korte Suprema ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) para alisin na ang temporaryong restraining order (TRO) sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ang NCAP na dati nang ipinatupad ay patakaran sa paggamit ng closed-circuit television (CCTV), digital cameras at iba pang gadgets o teknolohiya na ma-capture sa pamamagitan ng video at larawan ng mga sasakyang lumalabag sa batas trapiko.

Sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na ang paghahain ng mosyon ay sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Ayon kay Artes, kailangan ang NCAP upang mabawasan ang mas mabigat na trapiko sa EDSA na dulot ng paghinto sa mga lumalabag sa gitna ng rehabilitasyon ng pangunahing lansangan.

Sakaling hindi paboran ng Mataas na Hukuman ang apela, pinag-aaralan na ang posibilidad na pairalin lamang ang NCAP sa mga bus.

Una nang nagpalabas ng TRO ang SC noong Agosto 2022 laban sa NCAP na pinaiiral ng ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila kaugnay sa petisyon ng ilang transport groups laban sa lokal na ordinansa na may kaugnayan sa NCAP sa Maynila, Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa, at Parañaque.

Bago pa ang TRO, nanawagan na ang Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin at repasuhin ang NCAP.

Sinabi ng LTO na isa sa mga pinagtatalunang aspeto ng NCAP ay ang pagbabayad ng mga multa kung saan ang mga nakarehistrong may-ari, hindi ang mga driver, ng mga pampubliko at pribadong sasakyan ang mga pinagbabayad sa mga parusa.

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with