^

Metro

‘Di nagamit na campaign contributions, ideklara

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

BIR sa national, local candidates

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) ang lahat ng local at national candidates sa nagdaang eleksiyon na ideklara ang mga campaign funds na hindi nagamit.

Ayon kay BIR Commisioner Romeo Lumagui, wala silang nakikitang problema kung nais ng mga kandidato na itabi ang sob­rang campaign funds hangga’t magbabayad ang mga ito ng kaukulang income tax.

Bago nagsimula ang kampanya noong Marso, inilatag na ng BIR ang mga regulasyon kabilang ang limang porsyentong creditable income tax sa mga gastos ng lahat ng mga kandidato.

Pagkatapos ng eleksiyon, ang mga kandidato ay inaatasang mag-file ng kanilang statement of contributions and expenditure.

Sakaling mabigo ang mga kandidato na gawin ito, papatawan ang mga ito ng parusa at maaa­ring kasuhan ng tax evasion.

BIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with