^

Metro

2 patay sa sunog sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay habang lima ang sugatan sa sunog na sumiklab sa Caloocan City nitong  Miyerkules ng  hapon.

Kinilala ni Fire Senior Inspector Elyzer Ruben Leal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktimang sina Liane Nicole Dacayamat, 16 at Robert Alinas Guerrero, 52 kapwa residente ng Natividad St., Brgy. 81, Caloocan City.

Ayon sa BFP Caloocan, bandang alas-5 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima.

Tinitignan ang umano’y faulty electrical wiring o naiwang charger ng cellphone ang pinagmulan ng sunog. Dakong alas-6 ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog.

Bandang alas-12:50 ng madaling araw kahapon nang makuha ang bangkay ni Guerrero habang alas-6:42 ng umaga narekober ang bangkay ni Dacayamat.

Natrap sa nasusunog na bahay ang mga biktima.

Sa ngayon ay nasa isang simbahan at tatlong covered courts ang nasa 70 pamilya na apektado ng sunog.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with