^

Metro

Higit 230K PNP personnel tumanggap ng mid-year bonus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na may kabuuang 230,925 na uniformed at non-uniformed personnel ang tumanggap na ng kanilang mid-year bonus.

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary at ibinibigay sa mga personnel na nakapaglingkod ng hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon, at nananatili pa ring nasa aktibong serbisyo.

Nabatid na  umabot sa P7,726,103,239 ang pondo na inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) at direktang na-credit sa Landbank ATM payroll accounts ng mga kuwalipikadong makakatanggap.

Binigyang-diin naman ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco D. Marbil, ang kahalagahan ng bonus sa pagpapanatili ng mataas na morale ng buong hanay.

“Ang mid-year bonus ay pagkilala sa dedikasyon at tapat na pag­lilingkod ng ating mga pulis at Non-Uniformed Personnel. Sa ilalim ng pamumuno ng ating Pangulo, ito ay konkretong hakbang sa pagpapataas ng kanilang morale at pagsuporta sa kanilang tuluy-tuloy na serbisyo sa bayan,” ani Marbil.

Nilinaw ni  Marbil na ang mga personnel na may kinahaharap na kasong administratibo o kriminal na hindi pa nareresolba ay kuwalipikado pa ring makatanggap ng mid-year bonus, maliban na lamang kung sila ay mapatunayang guilty sa pamamagitan ng final at executory judgment. Ngunit kung reprimand lamang ang parusang ipinataw, mananatiling karapat-dapat pa rin sa bonus ang naturang personnel.

Dagdag pa ni Marbil, ang pamamahagi ng mid-year bonus ay patunay ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa PNP at sa pagpapatibay ng paninindigan ng bawat alagad ng batas na tuparin ang kanilang tungkulin na magsilbi at magprotekta sa samba­yanang Pilipino.

MID-YEAR BONUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with