^

Metro

‘Healing’, ‘reconciliation’ hangad ni Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Healing’, ‘reconciliation’ hangad ni Isko
Pormal nang iprinoklama ng Comelec City Board of Canvassers Martes ng gabi sina Isko Moreno Domagoso bilang alkalde at Chi Atienza bilang bise alkalde ng Maynila.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — “Healing” at “reconciliation” ang hangad ni ­Manila Mayor elect Isko Moreno matapos siyang iproklamang bagong alkalde ng Lungsod.

Sa panayam kay ­Moreno, sinabi nito na tapos na ang halalan at panahon na ng pagpapatawad.

Aminado si Moreno na maraming masasakit na salita ang naibato ng bawat isa sa kainitan ng kampanya subalit ito naman ang tamang panahon upang magkapatawaran.

Handa si Moreno, makipag-usap sa kampo ni Manila Mayor Honey Lacuna at maisantabi na ang anumang alitan. Aniya, mga Batang Maynila na ang maaapektuhan sa patuloy na bangayan.

Kasabay ng kanyang pasasalamat sa mga Batang Maynila, sinabi naman ni ­Moreno na itutuloy niya ang mga proyekto nabinbin upang mas mabigyan ng ­maayos na serbisyo ang mga taga-Maynila. Umaasa rin si Moreno ng maayos na transition.

Samantala, nangako naman si Vice Mayor elect Chi Atienza na susuportahan niya si ­Moreno at sisikapin mapag-isa ang city council para sa mas kapaki-pakinabang na mga proyekto.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with