^

Metro

PM Vargas kongresista muli ng Quezon City 5th District

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nahalal bilang kinatawan ng Quezon City 5th District si Patrick Michael “PM” Vargas sa kanyang ikalawang termino sa Kongreso kung saan tinalo nito si Rose Nono Lin sa katatapos na halalan noong Mayo 12.

Naiproklama na rin ng Comelec si Vargas matapos na makakuha ng botong 102,648 laban kay Lin na nakakuha ng 91,622 boto.

Ayon kay Vargas ang kaniyang tagumpay sa eleksiyon ay bunga ng malakas na suporta sa mga residente ng Novaliches at gayundin sa 15 taong pamana sa public service ng pamilya ­Vargas sa ikalimang distrito ng lungsod.

Hindi rin aniya nagtagumpay ang smear campaign laban sa kanya na ipinakalat ng kanyang katunggali dahil mulat sa katotohanan ang mga botante sa kanilang lugar.

Samantala, nanalo rin ang kapatid nito na si ­dating Congressman Alfred Vargas bilang ­konsehal.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with