^

Metro

Proyekto sa pabahay sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bagong kinatawan ng lone congressional district ng Las Piñas, unang ipaglalaban ni Mark Anthony Santos na matuloy ang matagal ng nakabinbin na Pambansang Pabahay para sa ­Pamilyang Pilipino (4PH) program sa lungsod.

Inihayag ni Santos isa sa ­nakabiting housing project ng lungsod ay ang panukalang 12-storey building sa ilalim ng 4PH program sa DBP Subd. sa Barangay Pulang Lupa Dos na gagastusan ng Social Housing Finance Corp.

Ang mga target na benepisyaryo nito ay ang mga empleyado ng lungsod at 412 na informal settler’s family (ISF) na karamihan ay mga walang regular na kita tulad ng mga tricycle driver at market vendor na hindi kayang bumili ng disenteng pabahay sa commercially available rates.

Mayo noong isang taon, iginawad na ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar ang certificate of approval para sa comprehensive land use plan (CLUP) ng lungsod ng Las Piñas.

Nangako si Acuzar, sa pamamagitan ng Environmental, Land Use and Urban Planning and Development Bureau ng DHSUD, na susuportahan ang Las Piñas LGU sa pagsasalin ng mga plano sa ­aktwal na mga nagawa para sa kapakanan ng mga mamamayan nito.

LAS PIñAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with