^

Metro

LTFRB ‘bumuhay’ ng mga ruta ng PUV

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humihingi ng paliwanag sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang transport group hinggil sa umano’y sunud-sunod na desisyon na ‘bumubuhay’ sa mga prangkisa sa mga ruta ng public utility vehicle (PUV) na higit 10 taon nang patay.

ikinagulat ng ilang miyembro ng transport group sa Metro Manila ang pagkakaroon ng mas maraming PUV na nag-o-operate sa kani-kanilang ruta nitong mga nakaraang linggo alinsunod na rin umano sa order at pahintulot ng LTFRB.

Isa sa mga dokumentong napatunayang lehitimo ay ang Abril 8, 2025 na kautusan ng LTFRB na nagbigay sa isang transport cooperative na mag-operate ng hindi bababa sa 31 units sa rutang Fairview-TM Kalaw na nawala na ng 10 taon. Ang kasalukuyang ruta ay ang Philcoa sa Quezon City-TM Kalaw sa Maynila via Quezon Avenue.

Kinuwestiyon ng mga transport group ang timing ng muling pagbuhay sa mga patay na ruta ng prangkisa sa gitna ng PUV modernization.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with