Office Clerk timbog sa kasong rape, child abuse
MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) ang isang high-value fugitive na wanted sa patung-patong na mga kaso ng rape at child abuse, sa isinagawang operasyon sa Las Piñas City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang dinakip na si “Aris”, 44, office clerk, at residente ng CAA, Las Piñas City at No. 5 Provincial Level Most Wanted siya ng Pampanga Police Provincial Office at No. 2 Municipal Level ng San Fernando City Police Station.
Sa pangunguna ng DSOU, katuwang ang District Investigation Division (DID), at Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD), at ng San Fernando City Police Station, tagumpay na naaresto si Aris alas-8:00 ng gabi ng Mayo 2, 2025, sa Las Piñas City.
Isinilbi sa kanya ang mga warrants of arrest na inisyu ni San Fernando City, Pampanga RTC Branch 45 Judge Robert Alexander Razon Malig, na kinabibilangan ng anim na kaso ng rape o Article 266-A ng Revised Penal Code at 3 kaso ng child abuse o Republic Act 7610. Walang inirekomendang piyansa sa mga kaso ng Rape habang P80,000.00. sa Child Abuse.
- Latest