^

Metro

Crackdown vs online traffickers ikinasa ng BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Crackdown vs online traffickers ikinasa ng BI
Ito ay kasunod sa pagkakasagip ng mga miyembro ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa dalawang babae na tinukoy sa mga alyas na “Annie” at “Aiza,” parehong nasa mid-thirties, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na paalis sana patungong Bahrain para magtrabaho.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Nagkasa ang Bureau of Immigration (BI) ng pinakabagong crackdown laban sa mga online traffickers na tumatarget ng mahihinang Filipino na naghahanap ng trabaho online.

Ito ay kasunod sa pagkakasagip ng mga miyembro ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa dalawang babae na tinukoy sa mga alyas na “Annie” at “Aiza,” parehong nasa mid-thirties, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na paalis sana patungong Bahrain para magtrabaho.

Sa report ng I-PROBES kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, naharang ang dalawang babaeng magkaiban na patungo sana sa Hong Kong para sa isang maikling bakasyon, sa isinagawang inspeksyon ng mga immigration officers sa nasabing paliparan.

Inamin ng dalawa na ang kanilang ­aktwal na destinasyon ay sa ­Bahrain, kung saan sila ay na-recruit para magtrabaho­ bilang mga factory worker at pinangakuan ng buwanang suweldo na 130 BHD o humigit-kumulang sa P19,000.

Nadiskubre sa isinagawang pagtatanong sa dalawa na binigyan sila ng sinasabing online trafficker ng dalawang sobre, isa rito ay naglalaman ng mga karaniwang travel documents at ang isa ay may lamang tiket sa eroplano at visa application sa Bahrain, upang palabasin na legal silang magtatrabaho sa ibang bansa.

Agad na dinala ang dalawa sa Inter-Agency Council Against ­Trafficking (IACAT) upang isulong ang legal na aksyon laban sa kanilang mga recruiter.

“Ang kasong ito ay naglantad rin sa parehong recruiter bilang mastermind sa likod ng isa pang grupo na nakatakdang umalis patungong Thailand sa Abril 29,” sabi ni Viado.

“Higit sa dalawampung indibiduwal na sinasabing na-recruit sa iskema na ito ay nasa ilalim na ngayon ng surveillance. Ang impormasyong ito ay ipinasa sa IACAT, at kami ay ganap na nakatuon sa pagbuwag sa trafficking ring na ito,” dagdag pa ni Viado.

Lumalabas sa karagdagang imbestigasyon na niligaw ng trafficker ang mga recruits sa pamamagitan ng kanyang pangako para sa lehitimong Overseas Filipino Worker (OFW) processing. Gayunman, inutusan muna sila na magpanggap bilang mga turista upang laktawan ang pagsusuri sa imigrasyon.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with