Bebot na ‘tulak’ timbog sa buy-bust

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babae na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Pasay City Police, sa nasabing lungsod, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang suspek sa alyas “Babs”, 41, at residente ng Barangay 193, Pasay.
Dakong alas-11:30 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Andrew Hega.
Nasamsam ang kabuuang 15.30 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas ng P104,040.00 halaga, kasama ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang rectangular case, aluminum foil, isang pakete ng mga walang laman na sachet, limang P1,000.00 boodle money isang genuine P500, isang digital weighing scale, at isang selpon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest