13-anyos stude, wagi sa UPU Letter Writing Contest
MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na isang estudyante mula sa Catanduanes ang pinalad na magwagi sa isinagawa nilang 54th Universal Postal Union (UPU) International Letter Writing Competition for Young People.
Ayon sa PHLPost, nasungkit ng 13-taong gulang na si Mikaela Ashika Vargas mula sa Virac, Catanduanes National High School ang first place sa isinagawang 54th Universal Postal Union (UPU) International Letter Writing Competition for Young People ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na may temang “Imagine you are the ocean. Write a letter to someone explaining why and how they should take good care of you”.
Ang winning entry ni Vargas ang opisyal na ipadadala ng PHLPost sa Berne, Switzerland upang labanan ang iba pang kalahok mula sa 192 na bansa na kasapi ng Universal Postal Union (UPU).
Maliban kay Mikaela Ashika Vargas, kabilang din sa mga nagwagi ay sina Aime Renny B. Suon, mula sa Agusan National High School, Butuan City – second prize; at si Jayden Lyle Darcy V. Tonosgan naman mula sa Antique Vocational School, Bugasong, Antique – third prize.
Ang first prize winner ay pagkakalooban ng P25,000 cash, ang second prize ay makakatanggap ng P 20,000, at ang third prize ay magkakamit ng P15,000 plus corresponding medals and certificates para sa lahat ng nagwagi.
Sentro sa tema ng patimpalak ay hikayatin ang mga kabataan na maging malikhain at mapalalim ang kanilang kaalaman sa kahalagahan ng ocean conservation.
- Latest