CCTVs, prayoridad ng Vargas brothers sa Quezon City

MANILA, Philippines — Upang mas matiyak ang kaligtasan at kapayapaan, tututukan nina Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas at Congressman PM Vargas ang paglalagay ng Closed-Circuit Television (CCTV) units sa mga pangunahing lugar sa Novaliches ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa magkapatid na Vargas, kailangan ng maraming CCTVs para mas epektibong mabantayan ang mga kaganapan sa komunidad at mabigyan ng mas matatag na proteksyon ang mga residente.
Aniya, kapansin-pansin ang matinding pangangailangan sa mga CCTV sa mga pampublikong lugar tulad ng HOAs, terminals, at palengke.
Dahil dito, nagkaisa ang magkapatid na Vargas na palawigin ang proyekto sa tulong ng mga private partners at non-governmental organizations (NGOs) upang maabot ang mas maraming lugar.
Dagdag pa niya, makikipagtulungan sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DICT, DTI, at Department of Transportation (DOTr), gayundin sa mga NGOs, foundations, at civil society organizations para sa mas malawak na implementasyon ng proyekto.
Itutuon ang programang ito sa 14 na barangay ng District 5, partikular sa Novaliches, upang masigurong ang mga residente ay ligtas, may kapanatagan ng loob, at may access sa modernong seguridad.
- Latest