Benepisyaryo, patay sa pila ng ayuda

MANILA, Philippines — Isang benepisyaryo ang binawian ng buhay habang nakapila sa bigayan ng ayuda sa Marikina City noong Lunes.
Hindi na pinangalanan ng Marikina City Police ang 20-anyos na biktima na isang delivery rider.
Batay sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Marikina Sports Complex noong Lunes ngunit nitong Martes ng umaga na lamang ito naiulat sa pulisya.
Nauna rito, kasalukuyan umanong nakapila ang biktima sa bigayan ng tulong pinansiyal sa naturang lugar nang sa ‘di pa batid na kadahilanan ay bigla na lang itong nawalan ng malay.
Kaagad naman itong naisugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center dakong alas- 4:20 ng hapon ngunit nasawi rin dakong alas-9:00 ng gabi.
Idineklara ng mga doktor na natural death ang insidente.
- Latest