^

Metro

3 Chinese nationals timbog sa extortion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 Chinese nationals timbog sa extortion
Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng PAOCC tungkol sa gumagamit ng pangalan ng ahensya.
STAR/File

Nagpanggap na PAOCC agents

MANILA, Philippines — Laglag sa mga kamay ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang isang Chinese national na nagpanggap na tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at nakapangikil sa kapwa Chinese kapalit ng paglaya umano ng isang nahuli sa raid sa Phi­lippine Offshore Gaming Operator sa Parañaque City.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng PAOCC tungkol sa gumagamit ng pangalan ng ahensya.

Bukod sa nadakip na Chinese, arestado rin ang dalawa pang Chinese na umano’y mga kasabwat nito.

“May mga nagpapanggap na mga personalidad na nagsasabi na may connection sila sa PAOCC at kaya nila mag-facilitate ng release ng mga nahuli ng PAOCC,” sabi ni Torre.

Nabatid na dalawang Chinese ang dumulog  sa tanggapan ng PAOCC at  nagsumbong tungkol sa pangingikil ng suspek. Tinakot pa umano sila na kung hindi magbibigay ng karagdagang bayad ay ito-torture at ipade-deport ang nahuling Chinese.

Sinabi naman ni Undersecretary Gilberto Cruz, executive director ng PAOCC, na sinabihan ng suspek ang complainant na ang boyfriend ay nakakulong sa temporary detention center sa Pasay at nagpakilalang, connected  sa PAOCC at kayang i-release ang kanyang boyfriend.

“Una, nakahingi na siya ng P1 million, and then humihingi pa ng additional P3.5 million. Kung hindi raw siya magbibigay ng P3.5 million, pabubugbog niya raw, papa-torture niya raw ‘yung boyfriend, tapos ipapa-aresto ‘yung babae, ‘yung complainant,” dagdag ni Cruz.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa reklamong robbery-extortion.

Ayon kay Cruz, ito na ang pangatlong grupo na nahuli nilang nanloloko at sinisira ang imahe ng PAOCC.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with