Mayor Along ‘tinambakan’ muli si Trillanes - SWS
MANILA, Philippines — Nakatitiyak na ng muling pagkapanalo si incumbent Caloocan City Mayor Along Malapitan sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.
Ito ay kung pagbabasehan ang resulta ng pinakabagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Abril.
Batay sa survey, nakakuha ng 82% si Malapitan sa mga botante na nagsabi na nanatiling matatag ang suporta nila sa alkalde.
Iniwanan ni Malapitan ang katunggali nitong si dating Senador Antonio Trillanes na nakakuha lamang ng 14% na voter’s preference.
Ayon sa mga eksperto, kinokonsidera pa ring statiscally na kapareho ng resultang ito ang survey na isinagawa ng SWS noong Marso dahil sa tinatawag na ±3 na margin of error.
Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng patuloy na suporta ng mga Batang Kankaloo kay Malapitan ay katuparan ng mga program at proyekto at pagbabago sa lungsod.
Samantala, malaking dagok naman ang inabot ni Trillanes dahil sa mga kinasasangkutan nitong isyu at negatibong pananaw sa kanya ng mga tao.
- Latest