^

Metro

P83.7 milyong smuggled yosi nakumpiska ng BOC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P83.7 milyong smuggled yosi nakumpiska ng BOC
Ang operasyon ay ikinasa ng mga ahente ng CIIS-Manila International Container Port (CIIS-MICP) kung saan natuklasan ang 717 mastercases ng iba’t ibang brand ng si­garilyo sa loob ng sinalakay na warehouse at ang anim na mga truck na punung-puno din ng sigarilyo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) ang aabot sa P83.7 million na halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang warehouse sa Bocaue, Bulacan.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga ahente ng CIIS-Manila International Container Port (CIIS-MICP) kung saan natuklasan ang 717 mastercases ng iba’t ibang brand ng si­garilyo sa loob ng sinalakay na warehouse at ang anim na mga truck na punung-puno din ng sigarilyo.

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, magsilbi itong babala sa mga magtatangkang magpuslit hindi lamang ng sigarilyo kundi ma­ging ng iba pang kontrabando na hindi titigil ang kanilang mga tauhan hangga’t hindi sila nahuhuli at nakakasuhan.

Sinabi ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na matapos silang makatanggap ng derogatory information hinggil sa presensya ng mga smuggled na sigarilyo sa nasabing warehouse ay agad silang humiling ng Letter of Authority (LOA) mula kay Rubio.

Nadatnan sa warehouse ang mga brand ng sigarilyo na Modern, TS, Two Moon, Tattoo, Fort, H&P, Xplore, Carnival, Concord, RGD, Marvels, Chesterfields, at New Orleans.

Ayon kay Enciso, pansamantalang isinara ang warehouse habang hindi pa natatapos ang imbentaryo sa mga smuggled na produkto.

Tiniyak naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na mananagot sa batas ang nasa likod ng pagpupuslit ng nasabing mga ­sigarilyo.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with