^

Metro

P20 rice project ng DA, exempted sa Comelec poll spending ban

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P20 rice project ng DA, exempted sa Comelec poll spending ban
Batay sa Comelec Memorandum No. 25-07984, pinahintulutan ng poll body ang kahilingan ng DA na huwag isali ang kanilang P5-bilyong pondo para sa pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa ipinaiiral na spending ban para sa halalan sa susunod na buwan, at i-exempt ito sa Section 261 (v) (1) ng Omnibus Election Code (OEC).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng Commission on Elections (Comelec) ng exemption na  45-day election spending ban para sa May 12 National and Local Elections (NLE) ang P20 per kilo Rice Project ng Department of Agriculture (DA).

Batay sa Comelec Memorandum No. 25-07984, pinahintulutan ng poll body ang kahilingan ng DA na huwag isali ang kanilang P5-bilyong pondo para sa pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa ipinaiiral na spending ban para sa halalan sa susunod na buwan, at i-exempt ito sa Section 261 (v) (1) ng Omnibus Election Code (OEC).

Sa ilalim naman ng memorandum, kapuna-puna ang sulat-kamay na karagdagang guidelines para sa exclusion, na ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ay para sa karagdagang lebel ng transparency.

Kabilang dito ay ang pagkuha rin ng local government units (LGUs) ng hiwalay sa certificates of exemption kung ibebenta nila ang bigas sa mas mababang presyo.

“Yung mismong LGU na mag-a-avail ng P20 na presyo per kilo ng bigas, sila dapat ay mag-a-apply ng exemption sa Comelec. Hindi porke nabigyan namin ng exemption ang DA, NFA, automatically exempted ang LGU,” paliwanag pa ni Garcia.

Ang public spending ban para sa midterm polls ay nagsimulang umiral noong Marso 28 at magtatagal hanggang sa Mayo 11, 2025.

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with