^

Metro

Mag-ina, driver pisak sa karambola ng 6 sasakyan

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina, driver pisak sa karambola ng 6 sasakyan
Rumesponde ang Marikina Filipino - Chinese Fire Brigade Volunteers kasama ang Marikina City Rescue 161, BFP NCR Marikina City -SRU, MMDA, UNTV Rescue, at Barangay Emergency Rescue Teams (BERT) mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Marikina sa insidente ng vehicular traffic accident sa bahagi ng Fortune Avenue, Barangay Fortune.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang kumpirmadong patay habang 10 iba pa ang sugatan nang mawalan ng preno ang isang trai­ler truck habang paakyat sa kalsada sa Marikina City kamakalawa ng gabi at minalas na maatrasan ang limang sasakyan na kasunod nito.

Kabilang umano sa mga nasawi ay isang mag-ina at driver ng isa sa mga kotse nasangkot sa aksidente.

Lumilitaw sa ulat ng Marikina City Police na dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Fortune Ave., sa Brgy. Fortune, Marikina City na kinasangkutan ng isang trailer truck (AIA-4084), dalawang jeepney (UVL-565 at TWK-363), isang sedan (UHJ-899), at dalawang sports utility vehicle (UHJ-899 at NAV-2836).

Nauna rito, binabagtas umano ng mga naturang behikulo ang paakyat na bahagi ng eastbound lane ng Fortune Avenue, kung saan nauuna ang trailer truck na minamaneho ni Gabriel Almeda, 54, residente ng Quezon City.

Sa hindi pa matukoy na kadahilanan, nawalan ng preno ang trailer truck at dumausdos sanhi upang maatrasan ang mga kasunod na sasakyan hanggang sa tuluyang tumaob ang karga nitong container at nadaganan ang isa sa mga jeep, ang sedan at isa sa dalawang SUV.

Nasugatan ang mga driver at mga pasahero ng mga nabanggit na sasakyan, na kaagad na naisugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ngunit minalas na masawi ang isa sa mga driver ng jeep, gayundin ng mag-inang sinasabing pasahero ng sedan.

Kaagad namang inaresto ng mga pulis ang driver ng truck na si Almeda na nakapiit na at mahaharap sa kaukulang kaso sa piskalya.

Ipinatawag naman ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II ang registered owner at driver ng trailer truck na sangkot sa nasabing aksidente.

“We want to know what really happened, and part of it is to determine if there were lapses on the part of the registered owner in terms of truck maintenance and the condition of the driver at the time of the accident,” sabi ni Mendoza.

Batay aniya sa kanilang nakalap na impormasyon, overloaded ang trak kaya’t naganap ang aksidente.

Suspendido na ang lisensya ng truck driver habang nakaalarma na sa LTO ang sasakyan.

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with