^

Metro

10 na local candidates pinagpapaliwanag ng Comelec sa vote buying

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
10 na local candidates pinagpapaliwanag ng Comelec sa vote buying
Ayon kay Garcia, kabilang sa mga inisyuhan nila ng show cause order (SCO) ay sina dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at Samuel ‘Sam’ S. Versoza, Jr., na kapwa kumakandidato sa pagka-alkalde ng Maynila; Dale Gonzalo “Along” Rigor Malapitan, kandidato sa pagka-alkalde sa Caloocan City; Julian Edward Emerson M. Coseteng, kandidatong konsehal sa ikatlong distrito ng Quezon City; Anna Kathrina “Kat” Marcelo Hernandez, kandidato upang maging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, sa ikaapat na distrito ng Bulacan Marilou G. Baligod na kandidato sa pagka-alkalde sa Baybay City, Leyte, Atty. Levito D. Baligod, kandidato sa pagka-kongresista sa ikalimang Distrito ng Baybay City, Leyte, Jerry A. Jose, kandidato para maging miyembro ng Sangguniang Bayan sa Villaverde, Nueva Vizcaya at Richard T. Kho, kandidato sa pagka-gobernador ng Masbate.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang nasa 10 local candidates para sa May 12 midterm polls, matapos na akusahan ng umano’y posibleng paglabag sa halalan, kabilang na ang umano’y isyu ng vote buying.

Ayon kay Garcia, kabilang sa mga inisyuhan nila ng show cause order (SCO) ay sina dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at Samuel ‘Sam’ S. Versoza, Jr., na kapwa kumakandidato sa pagka-alkalde ng Maynila; Dale Gonzalo “Along” Rigor Malapitan, kandidato sa pagka-alkalde sa Caloocan City; Julian Edward Emerson M. Coseteng, kandidatong konsehal sa ikatlong distrito ng Quezon City; Anna Kathrina “Kat” Marcelo Hernandez, kandidato upang maging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, sa ikaapat na distrito ng Bulacan Marilou G. Baligod na kandidato sa pagka-alkalde sa Baybay City, Leyte, Atty. Levito D. Baligod, kandidato sa pagka-kongresista sa ikalimang Distrito ng Baybay City, Leyte, Jerry A. Jose, kandidato para maging miyembro ng Sangguniang Bayan sa Villaverde, Nueva Vizcaya at Richard T. Kho, kandidato sa pagka-gobernador ng Masbate.

Ayon sa Comelec, si Moreno ay inakusahan ng vote buying nang mamahagi ng tig-P3,000 sa mga public school teachers habang si Versoza naman ay namahagi ng mga goods na may nakasulat na pangalang ‘SV’. Isinasangkot din sa vote buying si Coseteng nang mag-alok ng P500 na premyo sa GCash habang nagpa-raffle naman ang mga Baligod kung saan ang mga premyo ay mayroong pangalan at larawan ng mga ito.

Sinasabing namahagi naman ng P3,225 sa Galino Covered Court si Malapitan habang namahagi ng mga dish racks, electric fans, bigas at t-shirt si Hernandez.

Pamimigay naman ng buhay na baboy ang ipinupukol kay Jose habang paggamit naman ng emergency alert para i-broadcast ang mga pangalan ng mga kandidato ang isyu kay Kho.

Samantala, ipinatawag din ng Comelec First Division si Aklan Governor Jose Enrique “Joen” Miraflores at iba pang lokal na opisyal ng lalawigan kaugnay ng mga sumbong ng umano’y vote-buying bunsod umano ng pamimigay ng mga gas coupon, campaign materials, at paggamit ng sasakyan at empleyado ng gobyerno.

Isinama sa reklamo ang mga resibo at dokumentong pirmado umano ng Provincial Administrator, na nagpapahintulot sa ilang motorcycle riders na i-redeem ang gas coupon sa piling gasolinahan.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with