^

Metro

Solo parents, libre sa MRT-3 at LRT-2 sa Abril 26

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Solo parents, libre sa MRT-3 at LRT-2 sa Abril 26
Ito’y bilang pakikiisa ng mga naturang rail lines sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week at bunsod na rin ng kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
STAR/File

MANILA, Philippines — May libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga solo parents sa bansa Sabado, Abril 26.

Ito’y bilang pakikiisa ng mga naturang rail lines sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week at bunsod na rin ng kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid na maaaring ma-avail ng mga solo parents ang free ride mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at mula alas-5 hanggang 7 ng gabi.

Kinakailangan lamang umano ng mga solo parents na iprisinta ang kanilang solo parents ID sa mga istasyon ng MRT-3 at LRT-2 kung saan sila sasakay para makasakay ng libre.

Bukod naman sa libreng sakay, magkakaroon rin doon ng one-stop shop caravan kung saan maa­aring makapagparehistro ang mga solo parents o di kaya ay makapag-renew ng kanilang solo parent cards.

LRT

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with