^

Metro

10 Pulis Quezon City sabit sa nawawalang marijuana

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang nasasangkot sa kontrobesiya ang 10 pulis ng Quezon City Police District (QCPD) nang madiskubreng hindi itinurn over sa crime lab ang mga nakumpiskang marijuana mula sa limang sugarol sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ sa lungsod nitong Martes sa nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Acting QCPD Director, PCol Randy Glen Silvio, nasa restrictive custody nga­yon ang 10 operatiba mula sa QCPD Holy Spirit Police Station 14, kasunod ng viral post sa umano’y mga iregularidad sa ikinasang Oplan Galugad noong Abril 12.

Una nang iniulat ng PS 14 ang pag-aresto sa limang lalaki dahil sa ilegal na sugal subalit nitong Martes, Abril 22, lumilitaw na ang narekober na handbag na may pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana ay hindi naidokumento, naimbentaryo, o nai-turn over sa crime laboratory. Hindi naman binanggit sa ulat kung ilang gramo o kilo ang nakumpiskang marijuana mula sa mga suspek.

Bukod dito, nabatid na hindi rin umano kinasuhan ang mga nadakip ng paglabag sa ilalim ng R.A. 9165, kaya nahaharap sa kasong neglect of duty and grave misconduct ang 10 pulis. Ang lahat ng sangkot na pulis ay tinanggal sa puwesto, dinisarmahan at itinalaga sa District Personnel and Holding Admin Section ng QCPD.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang mga pulis para sa imbestigasyon at pagsasampa ng naaangkop na mga kasong kriminal at administratibo.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with