Local pension fund sa mga senior isusulong sa Las Piñas
MANILA, Philippines — Iminumungkahi ni Las Piñas Mayoralty Carlo Aguilar ang paglikha ng isang Local Pension Fund na magbibigay ng buwanang tulong pinansyal sa mga senior citizen ng lungsod.
Layunin ng inisyatibo na maibsan ang araw-araw na pasanin ng libu-libong matatanda na umaasa lamang sa limitadong tulong mula sa pamahalaan.
Nabatid na tinatayang 11,000 lamang sa mga senior citizen ng Las Piñas ang tumatanggap ng P1,000 buwanang social pension mula sa pambansang pamahalaan.
Nilalayon ng mungkahing local pension fund ni Aguilar na palawakin ang saklaw ng tulong para umabot sa tinatayang 60,000 senior citizen sa lungsod. Magsisimula ito sa mga pinaka-nangangailangan—yaong mga walang pensiyon mula sa SSS o GSIS.
Dagdag nito, kailangang repasuhin ang kasalukuyang paggastos ng lungsod upang matukoy kung aling bahagi ang maaaring ilipat para pondohan ang pensiyon. Bahagi rin ng plano ang paglapit sa mga corporate social responsibility (CSR) programs ng malalaking kumpanya.
- Latest