^

Metro

LTO sinuspinde lisensiya ng 671 pasaway na tsuper

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng 90 araw ng Land Transportation Office (LTO) ang nasa 671 pasaway na tsuper na nahuli nitong Holy Week.

Sa press conference, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na kasama dito ang 574 na sangkot sa road crash accident kung saan may nasaktan at nasawing mga pasahero.

Lumilitaw rin na 97 driver sa nasabing bilang ang nagpositibo sa ginawang random drug test na ginawa ng PDEA.

Isa sa nasuspinde ang lisensiya ang ESL Bus line driver na si Mark Burgos sa nag-viral na bus driver sa La Union­ na hindi isinaalang-alang ang  kaligtasan ng kanyang mga pasahero.

Naisyuhan na rin ng LTFRB ng show cause order ang bus company owner para magpaliwanag kaugnay nang inasal ng kanyang driver.

Kaugnay nito, iniulat naman ni LTO Chief Vigor Mendoza, na nasa 1,165 na mga sasakyan ang iisyuhan ng ahensiya ng show cause order nang bumagsak sa isinagawang road worthiness check ng ahensya.

Una nang nag-utos si Secretary Dizon nang pagbuo ng special task force upang magrebyu ng road safety policies sa bansa para sa mas mahigpit na panuntunan sa tamang pagmamaneho ng mga motorista.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with