^

Metro

NCRPO suportado ang Media Security Vanguard

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang Media Security Vanguard na inilunsad ng Philippine National Police (PNP) sa pakikipagtulungan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) para sa makabuluhang hakbang pasulong para sa pagprotekta sa mga mamamahayag sa Pilipinas.

Ang partnership sa pagitan ng NCRPO at PTFoMS ay nagpapakita ng pangako sa paglikha ng isang mas ligtas na kapaligiran para sa mga media practitioner.

Napapanahong inilunsad ang nasabing programa bago ang 2025 National at Local Elections, na binibigyang-diin pangako ng PNP at PTFoMS sa paglikha ng isang ligtas na kapaligiran kung saan maaaring mag-ulat ang mga mamamahayag nang walang takot, pananakot, o karahasan.

Binigyang-diin ni NCPO chief PMGen. Anthony Aberin na sa Metro Manila, ang media ay hindi lamang tagamasid kundi mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan, transparency, at serbisyo publiko.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with