^

Metro

Pulis Quezon City timbog sa pangha-harass, pang-aabuso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis Quezon City timbog sa pangha-harass, pang-aabuso
Sa ginanap na press conference kahapon sa Camp Karingal, iniharap kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMaj.Gen. Anthony ­Aberin ang suspek na si PSSg Colonel Jordan V Marzan nakatalaga sa QCPD Masambong Police Station 2 at kinasuhan ng paglabag sa RA 7610, Two Counts ng paglabag sa Domicile, Slight Physical Injury at Grave Threat.
Pixabay

MANILA, Philippines — Isang pulis Quezon City ang dinakip ng kanyang mga kabaro matapos na ireklamo ng pangha-harass, pang-aabuso at pagpasok sa bahay ng tatlong residente ng walang pahintulot kama­kalawa ng madaling araw sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City.

Sa ginanap na press conference kahapon sa Camp Karingal, iniharap kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMaj.Gen. Anthony ­Aberin ang suspek na si PSSg Colonel Jordan V Marzan nakatalaga sa QCPD Masambong Police Station 2 at kinasuhan ng paglabag sa RA 7610, Two Counts ng paglabag sa Domicile, Slight Physical Injury at Grave Threat.

Batay sa report, nakatanggap ng tawag ang Masambong Police Station 2 hinggil sa umano’y panggugulo, pangha-harass at pagpasok ng walang pahintulot ni Marzan sa bahay ng mga biktimang sina “RGR”, 16; “RM”, 25 at “AG”, 44 sa Caragay St. Brgy. Damayang Lagi, QC.

Bago ito, sinabi ni “AG” na bandang ala-1 ng madaling araw nitong Lunes nang kumatok ang pulis na nasa impluwensiya ng alak sa kanyang bahay at tuluy-tuloy na pumasok habang hinahanap ang isang nagngangalang “Dimple”. Agad namang sinagot ni “AG” na walang “Dimple” sa kanilang bahay. Nagalit ang pulis at pinagbantaan si “AG” ng “kapag hindi niyo nilabas pagpapapatayin ko kayo!”.

Umalis ang pulis at hinanap naman sa bahay nina “RGR” at “RM” si “Dimple”. Unang pinadapa at sinubsob ng pulis sa sahig si “RGR” hanggang sa makita ni “RM” ang pangyayari at pinipigilan ang pulis sa ginagawa.

Subalit maging si “RM” ay sinaktan ng pulis at sinabihan ng “p..ina ninyo ilabas niyo si Christopher “Dimple” Boquiren, kapag hindi niyo nilabas pagbabarilin ko kayo!”.

Ang mga ginawa ng pulis at nai-video ng mga biktima hanggang sa kinuha din ng una ang cellphone na gamit ng mga ito.

Agad na humingi ng responde ang mga biktima at mismong sina PMaj Jan Christian Bautista, PCpt Geronimo Caparas III, PSSg Paulo Jim Lapuz at Pat Rommel Tamayo ang dumakip sa pulis.

Samantala, dahil sa insidente sinibak ang hepe ng QCPD na si PBGen. Melecio Buslig, Jr. dahil sa command responsibility.

Pansamantalang pumalit kay Buslig si PCol Randy Glen Silvio, ang Deputy District Director for Administration.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with