NCRPO tutok sa mga pabalik na mga bakasyunista
Tuloy sa pagtitiyak ng seguridad
MANILA, Philippines — Nananatiling mahigpit at mas pinalakas ang deployment ng mga pulis ng National Capital Region Police (NCRPO) sa Metro Manila para sa seguridad at kaayusan ng inaasahang pagbabalikan sa Metro Manila ng mga nagdaos ng Semana Santa sa mga lalawigan.
Ayon kay NCRPO chief, PMajor General Anthony Aberin, isinasagawa ang mga hakbang na ito upang matiyak na mananatiling ligtas at maayos ang mga pangunahing lansangan at transport hub.
Patuloy din ang pagsasagawa ng inspeksyon at pagsubaybay sa ground ni Aberin at lahat ng district director sa presensya ng pulisya sa mga lugar ng convergence, nananatiling gumagana ang mga help desk, pinaigting ang visibility patrol, at nananatiling may bisa ang koordinasyon sa mga awtoridad sa terminal at mga LGU.
Hinihimok din ng NCRPO ang lahat na manatiling mapagbantay at makipagtulungan sa pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa pamamagitan ng mga naitatag na hotline at helpdesk na nakatalaga sa buong rehiyon.
- Latest