^

Metro

1 miyembro ng Tiñga drug group arestado sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isa pang diumano’y miyembro ng Tiñga Drug Syndicate ng Taguig City Police sa anti-criminality operation sa Barangay Ususan noong Miyerkules Santo, Abril 16.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Juan Miguel Tinga Tan,  o “Migue,” na nahuli sa kahabaan ng NP Cruz Street habang may hawak ng puting disposable vape cartridge na may label na “Khalifa Karts,” at naglalaman ng marijuana o cannabis oil, na nagkakahalaga ng P4,500.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Taguig Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Taguig police chief Col. Joey Goforth na ang pag-aresto ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na alisin sa mga komunidad ang ilegal na droga, at idinagdag na ang malakas na koordinasyon sa mga opisyal ng barangay ay nananatiling susi.

Nauna nang kinilala ng pamahalaang lungsod ang 20 barangay na idineklara bilang drug-cleared sa ilalim ng programa ng Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Ang Tiñga Drug Syndicate ay matagal nang nauugnay sa isang serye ng mga high-profile na pag-aresto na may kaugnayan sa droga sa Taguig City.

TIñGA DRUG SYNDICATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with