2 Singaporean timbog sa loose firearms

MANILA, Philippines — Dalawang Singaporean ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos mahulihan ng loose firearms sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, ayon sa opisyal.
Sa report ni PNP-CIDG Director P/Major Gen. Nicolas Torre III, ang mga suspect ay nasakote kamakalawa sa buy-bust operation sa kahabaan ng Brgy. Gen. de Leon, Valenzuela City.
Nakumpiska mula sa mga suspect ang 10 loose firearms at isang airsoft replica na kinabibilangan ng M15 rifle, isang garand M2 carbine, isang MK9 submachine gun, isang MKGs 9 MM rifle, apat na 9 MM pistols, isang cal. 45 caliber pistol at isang .22 caliber pistol.
Samantalang bukod dito marami ring nakumpiskang mga magazine at mga bala sa nasabing operasyon.
Nasakote sa operasyon ang dalawang Singaporean na pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon.
Ang mga nasakoteng suspect ay sinampahan na ng kaso sa National Prosecution Service kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
- Latest