KKK isusulong ng Maharlika Partylist
MANILA, Philippines — Isusulong ng ikalawang nominee ng Maharlika Partylist na si Alvin Sahagun, presidente at chairman din ng Maharlikang Pilipino Party, ang kanilang layunin sa pamamagitan ng Kalusugan, Karunungan, at Kabuhayan na maghahatid ng isang bagong pag-asa para sa bawat Pilipino.
Ayon kay Sahagun Meet the Press forum Ng National Press Club, nabuo ang Maharlika Partylist upang maging boses ng karaniwang mamamayan—mga manggagawa, guro, magsasaka, at pamilyang nangangarap ng mas maayos na buhay lalo na ang mga katutubo o Indigenous Peoples (IP) na kanilang pokus.
Aniya, sa pamumuno ng kanilang unang nominee na si Gng. Rosalie Quizon Balcon, isang matagal nang tagapagtaguyod ng pagbabago sa komunidad, binuo nila ang isang platapormang makatao, makabago, at makatawid-buhay.
Sa Kalusugan, isinusulong ng partylist na palawakin ang serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong lugar, dagdagan ang benepisyo ng mga health workers, at pagtuunan ng pansin ang mental health at preventive care na dapat pantay-pantay na access sa serbisyong medikal para sa lahat habang abot kay
ang edukasyon sa ilalim ng Karunungan at pagpapalakas ng maliliit na negosyo, suporta sa mga magsasaka at mangingisda, at palawakin ang oportunidad sa trabaho sa ilalim naman ng Kabuhayan.
Hinihikayat din ni Sahagun ang mamamayan na samahan sila sa bagong yugto ng liderato sat suportahan ang Maharlika Partylist para sa Kalusugan, Karunungan, at Kabuhayan ng sambayanang Pilipino.
- Latest