^

Metro

13 pasahero sugatan sa aksidente

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
13 pasahero sugatan sa aksidente
Batay sa pagsisiyasat ng Valenzuela police, wasak ang harapan ng bus dahil sa malakas na impact nang bumangga sa closed van na nasa third lane at dump truck na nasa fourth lane. May 30 pasaherong sakay ang nasabing bus.
STAR/File

Bus inararo van, dump truck

MANILA, Philippines — Nasa 13 pasahero ng pampasaherong bus ang sugatan nang mawasak matapos na araruhin ang isang closed van at dump truck kamakalawa ng gabi sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX)  sa  Valenzuela City.

Batay sa pagsisiyasat ng Valenzuela police, wasak ang harapan ng bus dahil sa malakas na impact nang bumangga sa closed van na nasa third lane at dump truck na nasa fourth lane. May 30 pasaherong sakay ang nasabing bus.

Lumilitaw na mabilis ang takbo ng bus na ga­ling sa Angat, Bulacan patungong Monumento, Caloocan. Nagtamo ng mga sugat sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero.

Agad namang kinostodiya ng pulisya ang driver ng bus na nakipag-ayos sa mga biktima. Handa rin ang operator ng bus na sagutin ang gastusin sa pagpapagamot.

Kaugnay nito, pinatawan ng preventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bus makaraang lumabas sa imbestigasyon na pabigla-biglang paglipat ng linya, na unang bumangga sa isang closed van, bago bumalik sa orihinal na linya na muli namang sumalpok sa likuran ng isang trak.

Suspendido sa loob ng 30 araw ang operasyon ng bus sa ilalim ng operator nito na si Wilson Hong Sy. Pinatigil ng LTFRB ang operasyon ng anim na unit ng bus na bumibiyahe sa rutang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Navotas Terminal via EDSA.

Samantala, ipinag-utos din ng LTFRB ang inspeksyon sa iba pang mga unit ng kompanya at ang pagsusumite ng patunay mula sa mga insurance company na nabayaran na ang mga biktima ng aksidente.

ACCIDENT

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with