DPWH magsasagawa ng road repair ngayong Holy Week
MANILA, Philippines — Magsasagawa ng 24-hour road works ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lugar sa Metro Manila ngayong Holy Week na magsisimula bandang alas-11 ng gabi ng Abril 16 at tatagal ng hanggang Abril 21 bandang alas-5 ng umaga.
Batay sa pahayag ng DPWH nasa 22 road works sa erya ng Quezon City ang aayusin sa ilang bahagi ng Quirino Highway, Colegio De Sta. Teresa De Avila hanggang Primerose; A.Bonifacio Avenue, 11th Avenue hanggang C-3; G. Araneta Avenue, Del Monte Avenue hanggang N.S. Amoranto; A. Bonifacio Avenue, Blumentritt hanggang Mauban; Sct. Alcaraz, A. Bonifacio Avenue hanggang Sto. Domingo; Payatas Road, Kapatiran Street hanggang Total Gas Station; Payatas Road, Bansalangin Street hanggang Enzo motor works; Payatas Road, Yakal Street hanggang Wilson Autoshop; Payatas Road, Bistek Ville hanggang Quality Fuel; Batasan Road, Kalinisan Street hanggang Kaunlaran; Congressional Avenue Ext., sa pagitan ng J.L Escoda at Tandang Sora Avenue; Commonwealth Avenue, sa harap ng Microtel hanggang Technohub; Commonwealth Avenue, harap ng General Malvar Hospital hanggang Puregold; Commonwealth Avenue, sa harap ng Cor. Elliptical hanggang Cor. University Avenue; E. Rodriquez Jr., Eastwood hanggang sa harap ng BMW; E. Rodriquez Jr., sa harap ng Wilcon Depot Center hanggang sa kanto ng Green Meadows; C-5 Road Katipunan Avenue (northbound), corner C.P Garcia to fronting UP Town Center (3rd lane); E.Rodriquez Jr. (southbound), sa harap ng Tile Center hanggang Wilcon Depot; Fairview Avenue, Jordan Heights Subd. papuntang LTO Novaliches; Mindanao Avenue Underpass (southbound); Mindanao Avenue Underpass (northbound).
Sa Makati City, apektado ang Magallanes Flyover (northbound), EDSA, Makati City [partial (half bridge - upper/lower level) closure] habang sa Pasig City, apektado ang C5 Ortigas flyover (southbound) sa kahabaan ng C5 Ortigas flyover (full closure) at ang Ortigas C5 Interchange mula East on Ramp hanggang Southbound Off Ramp sa kahabaan ng C5 Ortigas Interchange (full closure)
Pinapayuhan na gumamit na lamang ng service road patungo sa destinasyon.
Lahat ng sasakyan ay dumaan sa Ortigas Flyover at diretso sa Lanuza intersection pagkatapos ay kumaliwa sa J. Vargas patungo sa destinasyon
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong lugar at sa halip ay dumaan sa mga alternatibong ruta, kabilang ang Mabuhay Lanes.
- Latest