^

Metro

Gang member na tumangay sako ng parcel, tiklo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Gang member na tumangay sako ng parcel, tiklo
This photo shows a picture of a hand in handcuffs.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Isang gang member ang inaresto ng mga awtoridad matapos umanong tangayin ang isang sako ng mga parcel na idedeliber na sana sa mga taong umorder nito, sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng gabi.

Nakapiit na at mahaharap sa kasong pagnanakaw ang suspek na si Johnmer Bacay, 25, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), at residente ng Mayhaligue St., sa Sta. Cruz.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD) – Sta. Cruz Police Station 3, naganap ang pagnanakaw dakong alas-9:00 ng gabi sa Mayhaligue St. sa Sta. Cruz.

Nauna rito, ibinaba umano ng complainant na si John Perry Estacio, 31, supervisor ng Flash Express, ang isang sako ng parcel sa kanilang pick-up point para makuha ng delivery rider na si Mark Eugene Ajero at maideliber.

Gayunman, nang puntahan ni Ajero ang sako ng mga parcel ay hindi ito natagpuan kaya’t nagtanong sa Barangay Tanod na si Anthony Orsu.

Sinabi ni Orsu na nakita niya ang suspek na kinuha ang sako ngunit hindi naman ito sinita dahil hindi niya alam na magnanakaw ito.

Kaagad namang nagtungo sa pulisya ang mga complainant at nag­reklamo na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek ng mga tauhan ng Alvarez Police Community Precinct, sa tulong ni Orsu.

Naaktuhan pa umano nila ang suspek na hawak pa ang sako ng mga parcel ngunit marami na sa mga ito ang nawawala.

MANILA

STA. CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with