?2.1 bilyong puslit na yosi winasak ng BIR
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang nationwidedestruction activities sa 14.3 milyong pakete ng pekeng yosi sa sa Porac, Pampanga.
Ang largescale operation na pangangasiwaan ng Office of the Commissioner sa pamamagitan ng Large Taxpayers Service at ng Operations Group’s 19 Revenue Regions.
Sinabi ni Commissioner Lumagui na ang pagwasak sa mga illicit goods ay bahagi ng commitmentng ahensiya na mawalis ang mga illicit trade at mapangalagaan ang mga legitimate businesses.
Bukod sa confiscation at destruction, magsasampa rin ang BIR ng multiple criminal cases laban sa indibidwal at companya na sangkot sa illegal trade.
- Latest