ACT-CIS partylist pinagtibay suporta sa
MANILA, Philippines — Mainit ang naging pagtanggap ng mga opisyales ng Las Piñas City sa courtesy visit ni ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa pangunguna nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar nitong Pebrero 18. Ang pagbisita ni Tulfo ay sumasalamin sa matagal at magandang relasyon nito sa Aguilar gayundin ang patuloy na pangakong suporta sa mamamayan ng Las Pin?as. Binigyang-importansiya ni Vice Mayor April Aguilar ang malalim na nag-uugnay sa pagitan ni Tulfo at ng pamilya Aguilar.
Buong-pusong pinasalamatan ng bise-alkalde si Tulfo sa hindi matatawaran nitong suporta sa maraming taon lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic na nagbigay ng lubos na tulong sa Las Pin?as. Binigyang-diin pa nito na kung paano trinato si Tulfo bilang parte ng kanilang pamilya dahil sa patuloy niyang suporta sa kanilang adhikain ni Mayor Mel Aguilar sa pagseserbisyo publiko.(Ludy Bermudo)
- Latest