6 Korean nationals, 15 Pinoy timbog sa guerilla POGO

MANILA, Philippines — Arestado ang anim na Korean nationals na pawang operator at 15 na Pinoy na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa basement ng isang kilalang hotel sa Pasay City, Lunes ng hapon.
Ipinatupad ang mission order ng pinagsanib na tauhan ng Bureau of Immigration sa pangunguna ni Intelligence Officer II Rendell Sy, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pangunguna ni Executive Director Usec. Gilbert Cruz, Criminal Investigation and Detection Group ng Southern Police District sa pangunguna ni PLt. Col. Elnor Melgarejo at Pasay City Police Station chief PCol. Sammuel Pabonita at PMajor Remedios Terte.
Naaktuhan ang mga POGO workers na mga Pinoy sa kanilang iligal na online gaming sa Basement Slot Office, DOWINN Casino, Heritage Hotel, sa EDSA Extension, Brgy.76, Pasay City, alas-5:30 ng hapon ng Pebrero 17. Nabatid na Korean group ang nagpapatakbo ng online gaming na target din ang kanilang mga kababayan. Bukod sa nasabing gaming operation, sangkot din umano sila sa game fixing at online scamming, batay sa mga nasaksihang transaksyon ng POGO workers sa kanilang computer.
- Latest