P47 milyong shabu nasabat sa 5 ‘tulak’

MANILA, Philippines — Umaabot sa higit P47 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa limang ‘tulak’na naaresto sa buy-bust operation nitong Sabado sa Bulacan.
Kinilala lamang ang mga suspek sa mga pangalang “Joyce”, 46; “Caloy”, 41; “Carl”, 19; “Christy”, 21 at “Russ”, 20, pawang mga residente ng Malolos, Bulacan.
Batay sa report, ikinasa ng PDEA RO NCR- NDO, PDEA RO-NCR RSET2, PDEA Bulacan Provincial Office, NICA, at Provincial Intelligence Unit Bulacan Police Provincial Office ang buybust operation bandang alas-6:33 ng gabi nitong Sabado sa Brgy. Tikay, Malolos, Bulacan.
Nagpositibo ang impormasyon at nakuha sa mga suspek ang pitong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P47. 6 milyon.
Nakalagay sa pitong brown-gold foil packs ang shabu na may Chinese characters na “Freeso-dried Durien”
Kinumpiska rin ang cellular phones at identification cards ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa fm Sections 5 at 11 ng Art. II of RA 9165.
- Latest