^

Metro

White PWD ID phase out na - , Quezon City LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang tanggapan ng Persons With Disability Affairs Office QC (PDAO QC) na opisyal nang phase out ang mga White Persons with Disability IDs.

Sa abiso ng PDAO QC, hindi na maaaring gamitin sa mga transaksyon at hindi na rin ito maaaring i-avail sa mga establisyemento upang makakuha ng mga benepisyo at pribilehiyo, tulad ng diskwento at libreng access sa sinehan para sa mga taong may kapansanan.

Pinapayuhan ang lahat ng ‘White PWD ID’ hol­ders na i-propeso sa lalong madaling panahon ang pag-renew ng kanilang ID, upang matiyak ang patuloy na pagtanggap ng mga benepisyong nakalaan para sa nasabing sektor.

Para sa mga nais mag-apply o mag-renew ng QC PWD ID, maaaring i-download ang QCitizen app o i-access ang link na ito https://qceservices.quezoncity.gov.ph.

Maaari ring magtungo sa mga sumusunod na tanggapan sa QC PDAO Main Office - Ground Floor, Community Center Building, Quezon City Hall Compound at sa District Offices (District 1 to District 6).

Para sa mga karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa PDAO QC 8988-4242 local 8123 / 7809 [email protected] https://www.facebook.com/qcpdao25/.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with