^

Metro

CIDG nasabat P2 milyong yosi walang health warning labels

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang sigarilyong nagkakahalaga ng P2.175 milyon na walang graphic health warning labels sa Davao City.

Batay sa report, nasamsam ng mga awtoridad ang 87 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo sa buy-bust operation sa isang dry goods trading store nitong Huwebes ng hapon.

Nadakip din ng mga awtoridad ang may-ari ng tindahan na residente ng Davao City at isang Chinese national na kinilala ng CIDG sa pangalang “Chen.”

Ang  paglalagay ng health warning labels ay isa sa mga  rekisitos sa ilalim ng Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Law ang photographic at textual warnings para sa mga sigarilyo o tobacco product.

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with