Tapyas presyo sa Rice-for-All ng Kadiwa, MSRP ng imported rice ipatutupad
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Pebrero 12, ipatutupad ang tapyas presyo sa mga bigas na ibinebenta sa ilalim ng KADIWA Rice-for-All ng Pangulong Bongbong Marcos at pagbaba rin ng maximum suggested retail price (MSRP) ng imported rice.
Asahan na ang nasa P3.00 pagbaba sa presyo ng bawat kilo ng RFA5 na may broken grains sa P43.00 , RFA525 na may 25% broken grains sa P35.00, at RFA100 na 100 broken grains sa P33.00.
Aniya, magpapatuloy naman ang KADIWA ng Pangulo sa pagbebenta sa halagang P29 kada kilo ng bigas para sa mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, at mga indibidwal mula sa indigent sectors.
Tiniyak din ni Tiu Laurel sa mga lokal na magsasaka na ang National Food Authority (NFA) ay bibili ng palay mula sa mga lokal na sakahan sa presyong P21–P23 kada kilo.
Simula Pebrero 15, ibababa ang MSRP sa P52 kada kilo mula P55 kada kilo, at ibababa pa sa P49 sa Marso 1.
Bukod sa bigas, sinabi ni Tiu Laurel na hinahanap din ng DA ang pagpapatupad ng MSRP sa baboy upang matugunan ang labis na agwat sa pagitan ng farm-gate at retail prices.
Aniya, ang desisyon hinggil sa posibleng pagpataw ng MSRP para sa baboy ay inaasahan sa katapusan ng Pebrero, na may layuning pigilan ang profiteering.
Sa kasalukuyan, ang farm-gate price ng baboy ay nasa P240–P250 kada kilo.
- Latest