FDA binawi antibiotic sa pneumonia, gonorrhea
MANILA, Philippines — Binawi na ng Food and Drug Administration (FDA) sa merkado ang isang brand ng antibiotic.
Sa FDA Advisory No.2025-0093, tinukoy ang Cefixime 20 mg/mL Granules for Suspension (Oral Drops) [Triocef], 10 mL, na boluntaryong binawi sa merkado ng Cathay Drug Co., Inc.
Nasa label nito ang “MANUFACTURER J.M. Tolmann Laboratories, Inc. #95 North Zuzuarregui St., Diliman, Quezon City, DISTRIBUTOR The Cathay Drug Co., Inc., 2/F Vernida I Condominium, 120 Amorsolo St. Legaspi Village, Makati City.”
Ang Cefixime ay gamot sa acute bronchitis, acute exacerbations of chronic bronchitis, bronchiectasis with infection, secondary infections in chronic respiratory tract diseases, pneumonia, urinary tract infections kabilang ang pyelonephritis, cystitis, at cystourethritis, uncomplicated gonorrhea (cervical/urethra), cholecystitis, cholangitis, scarlet fever, sinusitis, tonsilitis, pharyngitis, otitis media, Typhoid fever (enteric fever) kabilang ang multi-drug-resistant typhoid fever.
Itinuloy ng Marketing Authorization Holder (MAH) na Cathay Drug Company, Inc., ang voluntary recall dahil hindi naabot ng mga partikular na lote ang kinakailangang product specification batay sa chemical assay test na isinagawa ng third party laboratory, na sinang-ayunan ng manufacturer. May hindi umano pagkakapare-pareho ng resulta ng assay o potency test.
Sa kategoryang Class II recall hanggang retail level, ang mga distributor, ospital, retailer, parmasya ay inaatasang ihinto ang patuloy na pagbebenta at paggamit.
- Latest