^

Metro

Mga nasunugan sa Parañaque, Maynila tinulungan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng kanyang pagbisita sa Muntinlupa City kung saan tinulungan niya ang mga biktima ng sunog, personal ding dinalaw ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nagrerekober na nasunugan sa Parañaque City upang tulungan sila na muling makabangon.

Nagtipon-tipon ang 296 nasunugan sa Parañaque City Sports Complex, kung saan namahagi ang senador at ang kanyang Malasakit Team ng mahahalagang tulong, kagaya ng grocery packs, makakain, bitamina, bola ng basketball at volleyball, at kamiseta.

May ilan na nakatanggap ng mga mobile phone, sapatos, bisikleta, at relo.

Sinamantala rin ni Go ang pagkakataon na kilalanin ang pagsusumikap ng mga lokal na opisyal sa pagtugon sa krisis, kinabibilangan nina Mayor Eric Olivarez, Vice Mayor Joan Villafuerte, mga konsehal ng lungsod at mga opisyal ng barangay.

Sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA), na patuloy na sinusuportahan ni Go, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng tulong pinansyal upang tulungan silang muling itayo ang kanilang mga tahanan pagkatapos ng mapanirang sunog.

“Ang EHAP ay isang malaking tulong para sa mga kababayan nating nawalan ng tirahan. Sa tulong ng programang ito, maaari kang makabili ng yero, pako, kahoy, at iba pang pangunahing mater­yales para makapag-umpisa muli,” ayon sa senador.

Idinii ni Go ang kahalagahan ng mga programang tulad nito sa pagtiyak na ang mga biktima ng sakuna ay makatatanggap ng agarang suporta para muling makabangon.

Namahagi rin ng karagdagang tulong si Senator Go sa pagrekober ng mga nasunugan sa Barangay 775, San Andres, Maynila, noong Pebrero 7, para matulungan silang makarekober.

Binigyang-diin ng senador na mahalaga ang pagbibigay ng mabilis na tulong sa mga apektadong pamilya upang muli nilang mabuo ang kanilang buhay.

Tiniyak niya sa mga benepisyaryo na nananatili siyang nakatuon sa pagsusulong ng mga programang magpapalakas sa mga hakbang sa pag-iwas sa sunog at pagpapabuti ng pagtugon ng pamahalaan sa mga ganitong insidente. Ipinaalala niya sa publiko na palaging maging mapagmatyag at handa sa mga emergency.

Idinaos sa NHA Regional Office West Sector NCR, ang Malasakit Team ni Go ay namahagi ng mga mahahalagang bagay,pagkain, food packs at iba pa sa 177 benepisyaryo. Nakatanggap din ang mga piling benepisyaryo ng cellphone at pares ng sapatos.

“Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Ang gamit po, napapalitan, pero ang buhay ay hindi. Magtulungan lang po tayo, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayong kapwa Pilipino,” idi­nagdag ng senador.

NCR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with