Unified PWD IDs lalarga kontra peke
MANILA, Philippines — Ipatutupad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang unified identification (ID) system para sa persons with disabilities (PWDs) bago matapos ang taong 2025.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, inaayos na nila ang terms of reference para sa pagbuo ng unified ID system dahil prayoridad nila na ingatan ang personal na impormasyon ng isang PWD.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa National Privacy Commission upang masiguro na may safe guard ang impormasyong isusumite ng DSWD at may physical ID component.
Gayunman, ang application at validation process ay isasagawa pa rin ng local government units (LGUs), sa pamamagitan ng PWD Affairs Offices.
Isinusulong ng DSWD ang unified PWD IDs dahil sa isyu ng pang-aabuso sa paggamit ng mga pekeng PWD IDs.
Una nang umaray na ang Restaurant Owners of the Philippines (RESTO PH) hinggil sa malawakang pag-abuso gamit ang mga pekeng PWD IDs para makakuha ng diskwento, na nagpapahirap sa mga restaurant at iba pang negosyo.
- Latest