Estudyante tiklo sa pagbebenta ng baril

Pang tuition fee raw
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 25-anyos na estudyante sa iligal na pagbebenta ng baril sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, sa Makati City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, PBrig. General Anthony Aberin ang suspek na si alyas “Jonathan”, na naaresto alas-4:00 ng hapon sa Chino Roces Avenue, Barangay Magallanes, Makati.
Sa ulat, isinagawa ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District, kasama ang ilang tauhan ng District Intelligence Division, District Mobile Force Battalion, at Makati City Police Station ng ang buy-bust operation kaugnay sa ipinatutupad na election gun ban matapos makakuha ng impormasyon hinggil iligal na aktibidad ng suspek.
Nakumpiska sa suspek ang isang 5.56 rifle at 2 magazine na kargado ng mga bala; isang caliber 5.7 Ruger pistol at 2 magazine na kargado rin ng mga bala at isang iPhone 12 na ginamit sa transaksyon at isang Toyota Corolla Altis. Nakuha rin sa sasakyan ang iba’t ibang identification cards na nakapangalan sa suspek.
Sinabi ni SPD Director PBrig. General Manuel Abrugena na ang matagumpay na operasyon ay isang hakbang upang mapigilan na magamit ang mga baril sa iligal na aktibidad kabilang ang election related crimes.
- Latest