P68 milyong shabu nasabat sa 2 bigtime ‘tulak’

MANILA, Philippines — Umaabot sa P68 milyong halaga ng shabu ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Ageny (PDEA) mula sa 2 bigtime ‘tulak’ sa buy-bust operation kahapon ng hapon sa Pasay City.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Aldrich”, 28, binata, residente ng Acacia Drive San Roque, Zamboanga City, at “Rudy”, 32, binata, at residente ng Blk 2 Lot 15 SM Homes Subdivision, Sta. Catalina, Zamboanga City,
Batay sa imbestigasyon alas-3:30 ng hapon nitong Biyernes (Pebrero 7) isinagawa ang buy-bust operation ng PDEA at ng Manila Police District (MPD) sa Seaside Blvd, North Parking, SMBY, Brgy. 76, Pasay, City.
Nasamsam sa mga suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 10 kilo ang kabuuang timbang na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000,000.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga cellular phone, sasakyan, buy-bust money, at identification card sa operasyon.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong Paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165.
- Latest