Quiboloy, balik-city jail na sa Pebrero 12

MANILA, Philippines — Balik-city jail na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa susunod na linggo matapos na ipag-utos ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, dismayado siya sa naturang kautusan ng hukuman at tiniyak na iaapela nito bunsod na rin ng hindi pa magandang kalagayan ng kalusugan ng pastor, gayundin ng pagkakaroon nito ng ‘unique’ na sirkumstansiya.
Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong 2 counts qualified human trafficking.
Sinabi ni Torreon na kahit naka-confined pa sa pagamutan, dumalo si Quiboloy sa naturang pagdinig, sa pamamagitan ng video conferencing.
Matatandaang si Quiboloy ay isinugod sa pagamutan noong Enero 18 matapos na matukoy na dinapuan ng community-acquired pneumonia.
- Latest