Ibon at poultry products mula Netherlands, ban - DA

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na layon ng import ban na  mahadlangan ang  pagpasok ng bird flu virus upang protektahan ang kalusugan ng local poultry industry, na isang multi-bilyong pisong negosyong nagpapasigla sa malala­king pamumuhunan, nagbibigay ng hanapbuhay at  seguridad sa pagkain.
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa importasyon ng  domestic, wild birds at poultry products mula sa The Netherlands matapos dumami ang kaso ng highly pathogenic avian influenza.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na layon ng import ban na  mahadlangan ang  pagpasok ng bird flu virus upang protektahan ang kalusugan ng local poultry industry, na isang multi-bilyong pisong negosyong nagpapasigla sa malala­king pamumuhunan, nagbibigay ng hanapbuhay at  seguridad sa pagkain.

Unang iniulat ng Chief Veterina­rian ng Ministry of Agriculture, Nature and Food Quality ng The Netherlands  ang karagdagang outbreak ng H5  subtype ng avian influenza noong November 17 sa Putten, Gelderland na nakaapekto sa mga domesric birds. Ang presensiya ng bird flu virus ay kinumpirma ng Wageningen Bioverterinary Research.

Bilang  agarang  hakbang, nag-isyu si  Secretary Tiu Laurel  ng Memorandum Order  no. 56 na nag-aatas sa Bureau of Animal Industry na suspendihin ang  proseso at pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa  importasyon ng domestic at wild birds mula sa The Netherland, kabilang na dito ang karne ng manok, day-old na sisiw, itlog at semilya na ginagamit sa artificial insemination.

Inatasan din ng Kalihim ang  lahat ng  veterinary quarantine officers at inspectors sa buong bansa na kumpiskahin ang mga produktong nagmula sa The Netherlands, maliban na lamang sa mga nakabiyahe na o nakarating na sa mga lokal na pantalan matapos mailabas ang order, o nakatay bago mag November 3. Exempted din sa import ban ang  mga heat-treated products.

Show comments