ISFs sa Las Piñas, tinutulan ‘outside city relocation’
MANILA, Philippines — Mariing tinutulan ng mga pamilyang informal settler families sa Las Piñas City ang panukalang rekolasyon nila sa kalapit lalawigan kasabay ng isinasagawang housing project ng lokal na pamahalaan sa Barangay BF International Village-CAA.
Ayon kay Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos nakarating sa kanyang tanggapan na nagpaplano na rin ng kilos protesta ang ilang people’s organization (PO) at homeowner’s association (HOA) partikular ang mga residente ng nasabing barangay upang tutulan ang napipintong relokasyon nila sa Cavite.
Una nang hiniling ni Santos sa National Housing Authority (NHA) na ipamahagi na ang 10 ektaryang lupa sa BF International Village-CAA sa may 5,000 residente na 40 taon nang nakatira sa lugar.
Nabatid na narelocate ang nasa 1, 200 ISFs sa Las Piñas, Parañaque at Bacoor ay nagsimula noong 2008 dahill apektado ang mga ito ng konstruksiyon ng LRT1 Extension mula Niog, Bacoor City hanggang Metro Manila.
Subalit sinabi ni Santos, na ang mga narelocate sa 51, 226-square meter project sa Naic, Cavite ay bumalik ng Las Piñas dahil na rin sa kawalan ng malinis na supply ng tubig at kawalan ng pagkakakitaan sa lugar. Sinabi ng PO’s na hindi na nila hahayaang maulit na maitapon pa sa ibang probinsiya ang mga natitirang informal settlers tulad ng relokasyon sa mga residente nang itayo ang Cavite Bridge sa boundary ng Cavite at Las Piñas noong 2018.
Binigyan diin ni Santos na layon ng Las Piñas LGU na mabigyan ng ligtas, aboy-kaya at disenteng bahay ang mga ISFs na naninirahan sa mga delikadong lugar.
- Latest